Sabado, Enero 28, 2012

PRINCE CHARING (After Seven Years)




 Im on my way to the parlor that day, Bukas parin kami kahit pyesta ni San Isidro, yun nga lang, Wala ng bumayaheng jeep kaya eto, megalakad ang lola nyo. Nagkalat ang mga chararat sa paligid, WELL dapat lang masanay. Minsan, kinukutya at binabastos ng kung sino sino, Saksak heartness pero dedma nalang, May mga tao kasing kung makapang okray kala mo kung sinong magaganda’t gwapo, mga ubod ng CHAKA naman. Ewan ko ba! Bakit Di nalang sila maging Happy para samin. Nakakalimutan yata nila na may HUMAN RIGHTS din kami, kahit aminado akong hindi lahat sa lahi ko eh mukhang tao.
Naglalakad pa rin ako non habang katext ang isang beneficiary ng scholarship program ko. (Humihingi na naman ng pang tuition samantalang kakatapos lang ng prelims nila last week ) nang may tumapik sa balikat ko. Si Tammy!! Sya yon, di ko makakalimutan ang mukha ng babaeng itey! After nyang guluhin ang buhay ko seven years ago!  Ang pa-bidang schoolmate ko nung College! Infairness WAPAK parin ang beauty nya. (Ang bongga ng paying nyang may raffles eh, try ko arborin, type ko rin yung high heels nya)  kundi ko lang alam noon na dead na dead sakin ang babaitang itey siguro nasabunutan at nakaladkad ko na sya sa hallway 7 years ago.
“Prince?” Sabi nya.
Nakakairitang marinig ang binigay na pangalan sakin ni Mudra, pero ayoko naming maging maldita sa kanya.
“Queenie! 3 years ko nang hindi ginagamit yung pangalan na yon. Ayoko na ngang marinig eh.”
Ngumiti sya, kahit parang labag sa loob nya, parang natigilan sya at napahawak nalang sa kanyang shoulder bag habang nakatingin sa malayo. Wis ko  maintindihan sa babaeng itey,
“halika, join ka muna saken, makapag kwentuhan naman tayo.” Yaya ko sa kanya. Mukha naming hindi sya busy, di naman sya magagawi dito kung busy sya.. except, jutay tomi sya. Ayun sumama naman ang bruha.
Habang magkasukob kami sa payong, bumalik sa alala ko yung college days namen. 2nd year na ko non, sya 1st year palang. Nagkakilala kami through a mutual friend. Knows ng buong school na becky ako kaya di ko in-expecty na magkakainterest sya sakin. Okay naman sya, kaya lang di talaga kaya ng sikmura ko na .. EEEeeeeEEeeee………. Alam mo na! kaya ayun, Snob nalang. Binibigyan nya pa nga ako ng gift nung birthday ko noon, kulay pink na wrist watch with matching love letter. Sabi nya, Tanggap nya ko, Susuportahan nya ko kung san ako Masaya, na hindi ko naman daw kelangan tumbasan yung pagmamahal nya, Natatawa lang ako noon. Ang SHUNGA kasi nya. Ang alam ko may sinabi pa sya sakin noon na, Di sya umaasa na mamahalin ko din sya pero sana bigyan ko daw sya ng chance. Hay nako! Hahaha, Ewan kung keme keme lang, pero naging dir in komportable yung pakiramdam ko sa kanya noon.
“San ka nagtatrabaho ngayon?” Sabi ko.
“Sa Delicacies .” Sabi nya
“oh? Ang mahal ng MAgazine na yon ah! Bongga!  Anu naman sinusulat mo? Sports oh news?”
“Hindi, magazine yon, BInili lang nila yung rights nung isa kong book, tapos ginagawa nilang comic series
“ay ganun? Taray ha! Anung genre?”
“Romance!” sabi nya. Bongga! Buti pa sya mukhang healthy ang love life. Nagawa pang  magsulat ng lovestory, samantalang ako… WALEY! Nga-nga.
“ah! Yung Prince Charming! Inlove na inlove?”
“naman!”
“May boyfriend?”
“Wala, seven years na,”
“Inlove pero walang boyfriend? Ano un teh? Nakikinerbyos lang?” biro ko sa kanya. Ngumiti lang ulit sya saka binitawan ang payong at pinahawak sakin. Para yatang gusto nyang i-feel yung mga pagkakataon na  namiss nya noon. Kumapit pa sya sa braso ko na para bang iniisip nya parin na ako at si Prince ay iisa. Medyo naiilang parin ako, pero inisip ko nalang na walang malisya yon.
“Ikaw? Kamusta? May boyfriend?” sabi nya.
“Madami”
“Tapos ano? Humihingi sayo ng pera” sabi nya.
“Hindi ah!” sabi ko. Kitang kita sa feslak nya na di sya naniniwala .” Hindi sila humihingi, kusa nalang silang kumukuha sa wallet ko.” Biro ko ( na medyo totoo.) Tumawa lang sya ng tipid pagkatapos ay muling sumeryoso ang mukha nya. Minsan nakakabagot syang kausap, Tipid sumagot, kadalasan tahimik pa kaya minsan ako nalang gumagawa ng paraan para mapahaba yung usapan namin, pero sabi naman ng iba namang schoolmates noon, KAlog at mega daldalera sya, ano yon keme lang? Bakit hindi ko yon nakikita sa kanya? Sinubukan ko ngang hintayin na magsalita sya habang naglalakad kami pero WALEY. Parang umatras ang dila nya na hindi ko malaman. Hangang ayun , sa nakarating na kami sa parlor.
Pinaupo ko sya sa may counter kasama si Mommy, ang may ari  ng parlor. May naghihintay kasi sa aking regular costumer. Gupit at manicure lang kaya di naman masyadong hustle. Wis naman ako maisip na dahilan kung bakit tuloy tuloy ang pag agos ng mga alala nung college kami sa isip ko. One year lang kami halos nagkasama, isa pa, hindi kami ganoon ka-close kahit pansin na pansin ko noon yung paggawa nya ng paraan para magka lapit kami ng loob. Effort kung effort talaga sya, pumupunta pa sya sa cafeteria para lang Makita ako. Medyo naiilang ako, pero alam kong wala akong nararamdaman para sa kanya. Ayoko syang umasa noon na pwede, na possible ko syang mahalin haba nga ng hair ko noon eh, may boyfriend ako noon pero hinahabol ako ng babae, TARAY diba?
“Tammy, bat’ ka nga pala napadpad dito?” Pasigaw na sabi ko, maingay kasi ang blower kaya bahagya kong nilakasan ang boses ko.
“Wala, may hinahanap lang ako.”
“ano o sino?-- ” parang di nya ako narinig “ Sino ba yan?”
“yung Prince Charming ko” pabirong sabi nya, naamoy ko na kung anong keme ang gusto nyang palabasin nag bingibingihan nalang ako.
“tita, gothic o anime?” baling ko sa costumer, sya kasi, in-open nya na naman. Ewan ko kung biro lang nga, ay! Magkaka-Identity Crisis na naman ako, Hindi pa din ako nakaka-move on nung huli nyang pinaramdam sakin yung ganito, yung tipong feeling ko nagiging Tomboy nanaman ako. Haaayy!!
OO NGA PALA! Eksaktong Seven years ago na,( baka ito ang gusto nyang sabihin) Graduation ko noon, Nilapitan nya ko at niyakap ng mahigpit, walang malisya niyakap ko din sya, wala lang, happy lang ako tapos bigla akong napabulong sa kanya ng “After Seven years.” Nung mga oras na yon, Akala ko, mababago ko pa ang sarili ko seven years from that day, kaya lang…. tignan mo ko ngayon IHA! Malay ko bang seryoso talaga sya?
“Kain ka!” alok ni mommy kay Tammy. Bakit kasi nagkita pa ulit kami, for seven years naging okay na ko sa gantong ayos, pero sa mga oras na to bakit parang nagi-guilty na naman ako sa bawat pagharap ko sa  salamin? Sa bawat wall na puno ng salamin, sa bawat brush, at sa bawat pahid ng nail polish sa kuko ni tita feeling ko pinapatay ko sya. Bakit ko kaya to nararamdaman, eh pwede ko naman sabihin nalang sa kanya na… ‘Girl, eto talaga ko, di tayo pwede, nakakahiyang maging tomboy!’ Hindi ko nga alam eh, sa kanya ko lang kasi naramdaman yung pagmamahal na di naghihintay ng Cellphone o K-swiss na tennis shoes. KAhit ilang taon na yung nagdaan di ko padin makakalimutan yun pagpapahalaga nya sakin noon, walang kondisyon, at di naghihintay ng kapalit. Ang tanong lang, kayako bang isuko kung sino ako ngayon para sa kanya? Eeeeeeee… naman eeehh! Mahirap.
Hangang sa natapos na ko sa kuko ni tita at nagsara ang parlor for lunch break yun parin ang iniisip ko. Nagkasabay kaming kumain , pero din a ulit sya nag salita, ganun din ako.
Dahil narin siguro abala ang mga tao sa panonood ng mga banda sa bayan ay di wala narin pumasok na costumer, nagpalipas na lamang kami ng oras sa panonood ng isang Korean film. Tilian ang mga becky pag dating sa mga kissing scene, hagalpak din ang tawa kapag  dina-dub nina ni Mommy yung dalawang bidang lalaki.
Ewan ko, ako , sa kanya lang ako nakatingin, parang bigla akong na-conscious. Parang bigla na naman akong naging hindi komportable. Ganito din noon seven years ago.
Nagpaalam na syang uuwi noon, inihatid ko sya hangang sa may sakayan, iniisip ko pa rin kung bakit sya napadpad sa lugar namin, umasa kong magkukwento sya habang naglalakad papuntang sakayan kaya lang WALEY. May something na parang ayoko pa syang pauwiin parang dumami bigla yung tanong ko sa kanya nung pauwi na sya parang bitin, parang iniintay nyang magpaliwanag ako sa iniwan kong pangako na AFTER SEVEN YEARS kaya ako parang gusto kong magpaliwanag, for short, KALOKA!  ginulo na naman nya ko.
Simula ng araw na yon, Hindi muna ako pumasok sa Parlor ng ilang araw, Panay din ang text ng boyfriend  ko, humihingi ng load, humihingi ng pambaon na akala mo may patagong pera. Hawak ko ang Prince Charing , libro na isinulat ni Tammy, akala ko nagkamali lang ako ng rinig sa mga becky, akala ko Charming, CHARING pala talaga.typo error ata

 Malabo kung nakatulong ba o nakagulo lang lalo ang pagpapakita ulit ni Tammy. Marami akong narealize, marami akong naisip pero hirap talagang timbangin kung nakatulong o hindi. Gusto ko syang Makita, parang gusto ko syang maka usap kaya lang hindi ko nakuha yung cellphone number nya. Ewan ko ha, pero pakiramdam ko, eto na nga yung kinatatakutan ko, mukhang magiging  LOVE YOUR OWN na nga din ako. Seven years ago, nag desisyon na akong tatalikuran ang federasyon, pero lam mo naman ang gravity, no matter how much you try, babagsak ka pa din sa dapat mong kalagyan. Ayoko nang magi sip, kaya nagbasa nalang ako at nag paagos sa mga eksena sa Libro. Unti unting na proseso sa isip ko ang mga pamilyar na pangyayari, Mas nakilala ko rin ang selfish at manhid na bidang si Zach, ganun din ang bawat pag iyak at pagtatago ng emosyon ng bidang babae
 Sa pagpapatuloy ko sa pagbabasa . Unti unti, ina-absorb ng utak ko na may pinaghugutan nga ang storya na to, Ako na rin ang nag husga na ako ang bidang lalaki, Hindi nya Sinabing diretso na Selfish at manhid si Zach, Di rin direktang nabangit na naguguluhan sya sa kanyang sarili, pero pilit syang inunawa ng bidang babae, nakakatuwang isipin na ang dating sumusulat ng love letter sakin noon ay Sikat na writer na ngayon. Nakakainis lang dahil naging cliff hanger pa kung babalikan at magbabago nga ba seven years later si Zach o ano,

Hindi akong makapaniwalang nandito ako sa Maynila para lang hanapin si Tammy, maaring binigo ko sya sa una naming pagkikita after ng ilang taon pero eto nako. Ibang iba ang lugar na to sa lugar na nakasanayan ko, pero hindi lang siguro sa lugar ako naninibago kundi pati sa sarili ko, Napatapat ako sa harap ng  isang tinted na kotse at marahan kong hinawi ang bagong gupit kong buhok. 2 weeks after kong mabasa ang Prince charing,( ewan ko kung typo error lang yun o ano. ) napagisip isp kong di ako magiging ganap na masaya sa pag popondo ng pagaaral sa mga gwapong lalaki, at hindi ko narin gugustuhing mawala pa yung nag iisang tao na nagmahal sakin ng totoo, yung taong walang hinihintay na kapalit. Siguro dapat na ring magkaron ng part two ang libro, Siguro pwedeng sabay naming tuklasin ni Tammy kung anong mangyayari kay Zach kung susubukan nyang tuparin ang pangako nyang after seven years.



Sunrise Transit


Isa-isang inilabas ng isang matandang babae ang laman ng kanyang hand bag sa paghahanap ng kanyang senior citizen’s ID pero hindi nya din ito nakita kaya bumaling sya sa ibang pasahero saka muling lumingon sa kundoktor. Batid kong hindi nya lamang masabi sa mama na hindi nya nadala ang kanyang ID o marahil ay hindi nya lamang maalala kung saan nya iyon na itago sa dami ng bagaheng dala dala niya. Sa ekspresyon ng kanyang mukha ay tila ba malapit na itong umiyak kaya’t lumapit ako at sinabi sa kundokto na ako nalamang ang magbabayad ng pamasahe ng matanda. Ngumiti sya sa akin at nag pasalamat.
Lola Maria ang pakilala niya sa akin at Nang malaman ko na pareho lamang ang aming pupuntahan ay lumipat ako sa upuang kaharap ng kinaroroonan nya. Nagkaroon ako ng pagkakataon upang mag tanong nung kung ano-ano sa kanya at masasabi kong totoo ngang maraming matutunan sa isang mas nakatatanda. Nakalulungkot lamang ng maikwento nya sa akin na iniwan na sya ng kanyang mga anak na nag migrate na sa US .  Marahil ay iniisip nilang matanda na si lola Maria at hindi na rin makakatulong sa kanila kaya iniwan na lamang nila ito sa isang home for the aged. Bakas ang kalungkutan sa mukha ni Lola Maria habang ikinikwento nya kung paano nabaliwala ang mahabang panahon na ginugol nya sa pag aaruga sa kanyang mga anak na pagdating ng panahon ay iiwan rin naman pala siya. Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanan niya ay nanatiling positibo parin si lola atpuno parin ng pag asa na sa pagbabalik nya sa Baguio, ang lugar na kinalakihan nya ay makikita nyang muli ang kanyang mga dating kaibigan. Nais nya rin raw na doon na gugulin ang natitira nyang panahon ditto sa lupa.
Habang patuloy syang nag kukwento ng kanyang mga karanasan ay bumukas ang pinto ng bus upang papasukin ang ilang nag lalako ng mga makakain. At sa kanyang mga tingin ay batid kong hindi pa siya kumakain ng almusal, aku man ay ganun din kaya minabuti kong bumili ng dalawang Japanese corn at tubig. Muli syang nagpasalamat at saka sandaling natahimik kaming dalawa.
Natutuwa ako at nakilala ko si Lola Maria , kung tutuusin ay ngayon nalamang ulit ako magbabyahe ng mag isa pauwi ng Baguio. Siguro nga ay na mi-miss ko na si Jim at ang mga alaala pa rin nya ang baon ko kahit magpipitong buwan na kaming hiwalay mula ng malaman kong tatlong buwan ng nagdadalang tao ang dati nyang kasintahan. Nakalulungkot isipin na hindi ako gusto ng kanyang mga magulang lalo na’t may pananagutan na pala sya sa iba. Hindi ko ninais na maksira ng pamilya,at  kailan man ay hindi ko nanaisin na makasira ng buhay ng isang inosenteng bata. Wala akong kasalanan at kung meron man siguro yun ay minahal ko sya. Niloko nya ko, pero siguro ganito talaga kapag mahal mo ang isang tao. Hindi ko nga alam kung dapat akong matuwa sa pagpayag nya na maghiwalay kami o dapat ba akong masaktan.
Mahal ko sya at masakit malaman na kahit ako ang mahal nya ay mayron parin akong kahati sa kanya sa katauhan ng bata. Naging Masaya ako sa tatlong bwan n gaming pagsasama. Nasanay din akong bawat oras ay kasama sya. Pero nakikita ko ang sarili ko sa bata, sa anak nya, naaalala ko ang araw na iniwan kami ni papa para sumama sa babaeng sinasabi nyang mahal nya. Masasabi kong naging miserable ang buhay naming mag ina at hindi ko kakayaning maging sanhi ng pagdurusa ng iba. Ayokong maranasan ng bata ang naranasan ko. AYOKO.

Mula sa terminal ng bus sa Pasay ay naging matiwasay ang byahe naming hangang sa Mabalacat Pampanga. Yun ang unang bus terminal. Tinanong ko si lola Maria kung nais nyang mag CR ngunit umiling lang sya at saka muling itinutok ang tingin sa Japanese movie na nasa wikang hapon pa.  Bumaba na lamang ako at nag tiis pumila sa nag iisang rest room. Matapos mag CR ay binuhay ko ang aking cellphone upang tignan ang oras 3:45 na pala, pero mas nagulat ako ng makitang nag text pala si Jim. Hindi ko alam pero mas gugustuhin ko pang wag na lamang mabasa ang mga text nya kaysa muling masaktan sa mga sasabihin nya. Inaamin kong hindi pa ako handa na marinig ang mga sasabihin nya kaya minabuti kong patayin na lang ang aking cellphone tsaka ako bumalik sa bus.
Hindi ko alam noon kung mali ang nasakyan kong bus o ano, biglang dumami ang mga pasahero nito ngunit mas ikinagulat ko ng makitang may katabi na si lola Maria na isang matandang lalaki na sa tantsa ko ay kasing edad na rin nya. Napa isip tuloy ako na baka kaya hindi sya bumaba ay talagang may hinihintay sya, ano bang malay ko kung may ka textmate si lola at dito sila magkikita? Napansin ko rin kasi  ang mahinang pag uusap nila na para bang may lihim silang hostage-in lahat ng pasahero ng bus at hilingin sa gobyerno na palayain ang lahat ng matanda sa home for the aged. Pero mukang Malabo naman.
                Karamihan ng mga pasahero ay nag si pag idlip muna dahil halos anim na oras parin naman ang byahe naming hangang Baguio. Hindi ko mapigilang lumingon sa Direksyon ni lola Maria at ng matandang lalaking katabi niya. Nag suot ako ng shades at nag pangap na natutulog saka palihim na nakinig sa pinag uusapan nila.
                “paano mo nga nalaman na nandirito ako?” bulong ni lola Maria sa matanda.
                “Aba’y hindi ko nga alam na nandirito ka rin. Baka nga ako itong sinusundan mo eh.”
                “Naku! Hindi ano!” bulong muli ni Lola Maria. Mukhang naiinis na sya ngunit hindi nya magawang mag taas ng boses.
                “Eh, siguro’y tadhana talaga nating magkita ulit, hindi ba?” pabulong din na sagot ng matanda.
                Unti unti na noong nabubuo sa utak ko kung ano nga ba ang relasyon ng dalawang matanda pero hindi parin ako nakakasiguro kaya gusto kong malaman mula mismo sa bibig nilang dalawa kung tama ang hinala ko. Nag usap silang dalawa sa Ilocano, hindi ko iyon naintindihan pero alam kong nagpapaliwanag ang matandang lalaki at parang pinipilit nyang maniwala sa kanya si Lola Maria. Hindi ko mapigilang matawa na hindi ko maunawaan, para kasing naalala ko sa kanilang dalawa ang mga panahon na mag kasama pa kami ni Jim.
                “Matanda na tayo, ano pang saysay kung maayos man yung mga nangyare sa nakaraan?”  sabi ni Lola. Inangat niya ang kanyang bag na kalong kalong nya at inilagay iyon sa pagitan nilang dalawa. Saka nya binuksan ang kurtina at ibinuhos ang kanyang atensyon sa magandang tanawin sa labas lalo na sa papasikat ng araw.
                “naalala mo noong galing tayo sa Maynila at pauwi na rin tayo noon, kung di ako nag kakamali eh ganitong oras din yon hindi ba? Naalala mo pa ba”
                “oo naalala ko, kanya ka nga nagmamadali noon dahil nagaalala kang pagalitan ka ng inay mo.”
                “ hindi iyon ang ibig kong sabihin, Tignan mo iyang araw, Kumbaga sa atin malapit na tayo sa dapit hapon ng ating buhay pero ang relasyon natin, hindi impossibleng makaranas ulit ng bukang liwayway.” Sabi ng matandang lalaki.
                Malambing si Jim at full of surprises. Naalala ko pa nga nung nung birthday ko, nalungkot ako ng ma receive ko ang text nya na may overtime sya at hindi nya ako masusundo sa trabaho. Nabigla ako noon ng mapansin ko sya pagliko sa kalye papunta sa bahay naming, di ko napansin na tahimik nya pala akong sinusundan ang saya ko nun pero, s               iguro kung kay Jim ko narinig ang mga salitang iyon ay masasabi kong korni iyon at baka tawanan ko lang sya. Pero sa mga tulad nila, parang ayun na ata ang pinaka matamis na salita mula sa isang nagmamahal. Malinaw na rin sa akin, tama pala ang hinala ko. Ex-boyfriend pala ni lola si lolo.
                “Kamusta na pala ang asawa mo?” tanong ni lola
                “Hindi ako nag asawa, akala ko kasi noon babalik ka isang araw para making sa paliwanag ko.”
                Binubot ng matanda ang kanyang pitaka sa kanyang bulsa at saka kinuha kula rito ang isang pilas ng composition notebook na nag kulay brown na sa kalumaan. Puno ito ng tape na nag bago na rin ang kulay sa paglipas ng panahon.
                “ito yung huling sulat na ipinabigay ko sa kapatid ko noon. Pinunit mo nang hindi mo man lamang binabasa, pagkatapos ay iiwan mo ako at sasama ka pala sa nobyo mong taga maynila.”
                Hindi ko alam kung ano ang laman ng sulat, pero kinuha iyon ni lola Maria at binasa, nakikita ko sa mga mata nya na pinagsisisihan nya na hindi nya nabasa ang sulat na iyon noon. Tumingin sya sa mata ng matandang lalaki. Hinawakan nito ang kamay ni lola. Nun ko naisip na hindi lang pala saa mga teenager at mga young adult na tulad ko tumatalab ang mga Romeo and Juliet love story. Akala ko nga ay nanood ako ng isang telenobela ng mga oras na iyon.  Totoong nais kong malaman kung ano ang laman ng sulat, pero sapat na siguro ang nakikita ko para ipaliwanag kung anu man ang meron sila noon.
                “Iniwan ka na  pala ng mga anak mo, anu nang plano mo ngayon?” tanong ni lolo.
                “Ano pa nga ba gugugulin ko nalang ang natitira kong panahon sa Bagiou. Doon nalang ako mag hihintay na mamatay.”
                “Kung pinakingan mo lang sana ako noong araw hindi sana ganito, pero hindi pa din naman huli ano?”
                Di ko mapigilan ang pagdaloy ng utak ko, na puro si Jim at ako ang nakikita. Si Lola Maria at si Lolo, hindi malayong ganoon din ang kahinatnan naming ni Jim dahil hindi ko sya pinag bibigyang mag paliwanag. Marahil ay sila talaga ang itinadhana para sa isa’t isa kaya niloob ng Diyos na pagkita sila ngayon. Siguro’y mahigit tatlumpung taon din silang naghintay upang makapiling muli ang isa’t isa, pero gaano man katagal ang panahong lumipas, nanatling matatag ang pagmamahalan nila.
                Siguro kung talagang kaming dalawa ni Jim ang para sa isa’t isa, hindi man ngayon… dadating din yung tamang panahon na pwede na kaming maging Masaya. Ika nga ng dalawang matanda, marahil ay magkakasama din kame bago pa tuluyang lumubog ang araw saming mga buhay. Di nga ako nakatitiyak na makakasama ko pa sya at kung kami nga ang nakatadhana sa isa’t isa habang patuloy kong kinukumbinsi ang sarili ko na tama ang naging pasya ko susubukan ko ding humanap ng bagong pag-ibig. Hindi ko pinagsisihan na nakilala ko sya, hindi ko din nanaisin baguhin ang mga nangyari sa nakaraan. Pababayaan ko na lang ang tadhana na magtakda ng ganitong klaseng pagkakataon, kagaya ng nangyari kina lolo at lola Maria. Ngayon mas nauunawaan ko na